Advertisers

Advertisers

Cayetano: Ilayo ang kabataang Pilipino sa krimen, ‘wag silang ituring na ‘hardened criminals’

0 4

Advertisers

Sa gitna ng mga panawagang pababain ang edad ng criminal liability sa bansa kasunod ng madudugong krimen sa loob ng ilang paaralan, binigyang diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng maayos na “total environment” bilang epektibong paraan para mailayo ang kabataang Pilipino mula sa krimen.
Sa isang Facebook livestream nitong June 24, 2026, sinabi ni Cayetano na nauunawaan niya ang panawagan ng publiko para sa hustisya, lalo na ng mga pamilya ng mga biktima.
Pero giit niya, hindi kailangang ituring na “hardened criminals” ang kabataan para mapigilan silang gumawa ng krimen.
“I just want to really pray for the parents, for the loved ones ng mga nasawi. And of course, ask people to be sensitive, to pray for them… We understand their cry for justice,” aniya.
Ikinagulat ng publiko ngayong buwan ang pamamaril ng dalawang estudyanteng menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, kung saan tatlong estudyante ang nasawi at ilan pa ang nasugatan. Bago ito, dalawang magkahiwalay na insidente naman ng pananaksak ang kinasangkutan ng ilang estudyante sa loob ng kanilang paaralan sa Cavite.
“Hindi tayo pwedeng ma-desensitize d’yan (school violence). Hindi pwedeng maging normal iyan,” giit ni Cayetano.
Sa gitna ng panibagong panawagan na amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act, hinimok ng senador ang mga kapwa mambabatas na maging maingat sa pagbuo ng reporma dahil baka lalo pang mapalapit ang kabataan sa krimen imbes na mailayo sila mula rito.
“It’s really getting to a consensus of what law will be most proactive and relevant to us where we can protect our young people, not expose them to criminality; not treat them as hardened criminals, but also deter them and their parents from going into violence and violent crimes,” aniya.
Sa ilalim ng batas, ang mga batang edad 15 pababa ay hindi maaaring panagutin sa krimen, ngunit isinasailalim sila sa intervention programs sa halip na ilagay sa ordinaryong kulungan. Ang mga batang higit 15 ngunit wala pang 18 taong gulang naman ay maaaring panagutin kung mapatutunayang ginawa nila ang krimen kahit alam na nilang mali; kung hindi ay isasailalim din sila sa intervention.
Giit ni Cayetano, hindi sapat na sagot ang pababain ang edad ng criminal liability sa bansa. Sa halip ay siguraduhin aniya na maayos ang “total environment” ng kabataang Pilipino, kabilang ang mga napapanood nila online, at ang mga natututunan at nararanasan nila sa paaralan, sa tahanan, at sa kanilang komunidad.
“Everything is just a shock to us. So, we have to reflect kung anong tinatanim natin sa isip ng mga bata,” aniya.
Diin niya, dapat manatiling “safest place” para sa kabataan ang kanilang paaralan, tahanan, at ang simbahan.
“The reason po that we’re more sensitive when it is schools, churches, or home is because this is the place where children should be safe,” aniya.
Isa sa mga unang mahahalagang hakbang, ayon kay Cayetano, ay ang solusyunan ang pag-ikli ng school hours dahil sa kakulangan ng silid-aralan.
“Ano naman kinalaman ng K to 12 sa nangyari? Eh guys, half day na lang po most of our schools. I don’t know exactly sa Leyte, but most of our schools sa highly urbanized places are half day. So mas madami pang oras ang bata sa lansangan at saka sa social media,” paliwanag niya.
Binigyang-diin ng senador na dapat kumilos ang bansa kaugnay nito nang may karunungan dahil ang kabataan aniya ang pinakamahalagang yaman ng Pilipinas.
“Ang number one resource natin is not oil or gas or gold or livestock. It’s our children,” aniya.
“We have to have very, very deep thought into this problem because existential ‘to sa pamilya ng bawat Pilipino,” dagdag niya.