Advertisers

Advertisers

13 bagyo mananalasa sa Pinas hanggang Disyembre 2026

0 11

Advertisers

TINATAYANG siyam hanggang 13 bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon habang patuloy na umiiral at lumalakas ang El Niño phenomenon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa isang climate forum nitong Miyerkules, sinabi ni PAGASA-Climate and Agrometeorology Division Assistant Weather Services Chief Ana Liza Solis na dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang mabubuo sa Hulyo, dalawa hanggang apat sa Agosto, at dalawa hanggang tatlo sa Setyembre.

Inaasahan naman ang isa hanggang dalawang bagyo kada buwan mula Oktubre hanggang Disyembre.



Ayon kay Solis, karaniwang mas maraming bagyo ang nararanasan tuwing Hulyo sa panahon ng El Niño at mas marami ring umaabot sa typhoon at super typhoon category sa huling bahagi ng taon.

Sa kabila ng umiiral na El Niño, sinabi ng PAGASA na inaasahang makararanas pa rin ng near to above normal rainfall ang malaking bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre.



Gayunman, posibleng makaranas ng below-normal rainfall ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa naturang panahon.

Mas mararamdaman naman ang epekto ng El Niño pagsapit ng mga huling buwan ng taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">