Advertisers

Advertisers

DOH: ‘Wag manahimik sa bullying, humingi ng tulong

0 8

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring humingi ng tulong sa mga insidente ng bullying.

Ayon sa DOH, walang puwang ang karahasan sa paaralan at binigyang-diin na walang bata ang dapat makaranas ng pambu-bully, pananakit, o anumang uri ng karahasan.

Sakali namang may nararanasan o nasasaksihang bullying, pang-aabuso, o karahasan, dapat ay huwag manahimik.



Payo ng DOH, magsabi at humingi ng tulong sa magulang, guro, guidance counselor, o ibang pinagka-katiwalaang nakatatanda.

Ayon pa sa kagawaran, maaari ring tumawag sa 24/7 National Emergency Hotline 911, Emergency Hotline ng Philippine National Police (PNP) sa numerong 117, PNP Women and Children Protection Center sa telepono na (02) 8532-6690, at sa MAKABATA Helpline 1383.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">