Advertisers
MULING pumalo sa 12,225 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health nitong Biyernes, Abril 9.
Sa ngayon sumampa na sa 840,554 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng naturang sakit sa bansa.
Medyo mataas din ang naitalang mga bagong recoveries na umabot ngayon sa 946 gayundin ang naitalang namatay sa sakit na nasa 401.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 178,351 (21.2%) ang aktibong kaso na karamihan ay mga mild cases na nasa 97.5% habang 1.4 % naman ang asymptomatic, 647,683 (77.1%) na ang gumaling, at 14,520 (1.73%) ang namatay. Nasa 37 naman ang duplicates na inalis sa total case counts kung saan 18 ang recoveries.
Bukod dito, mayroong 213 kaso na na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang pinal na validation.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang DOH sa lahat na ipagpatuloy ang karampatang pag-iingat, sumunod sa mga health protocol at minimum public health standards upang sa gayon ay hindi na kumalat pa ang sakit at mapanatili ang pagbaba ng mga kaso. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)