Advertisers

Advertisers

18-anyos dalaga kulong sa 80 gramong ‘damo’

0 248

Advertisers

KULONG ang 18-anyos na dalaga nang maaresto sa drug buy-bust operation ng Cabanatuan Drug Enforcement Unit sa Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City.
Kinilala ang naaresto na si Sandara Caparas, residente sa nabanggit na lugar.
Sa report, nasamsam sa dalaga ang 25 piraso ng plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 80 gramo at nagkakahalaga ng P12,500.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 ang isinampang kaso sa dalaga.