Advertisers

Advertisers

NAG-AGAWAN SA MIKROPONO SA LAMAY, 2 PINAGLAMAYAN!

0 336

Advertisers

PATAY ang dalawang mister at dalawa pa ang sugatan matapos mag-agawan ng mikropono ng videoke habang nag-iinuman sa lamay sa Barangay Visitacion, Sta. Ana, Cagayan, Sabado ng hatinggabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Garry Jovellanos, 41 anyos; at isang dumalo sa lamay na si Reynante Romero na taga-bayan ng Lal-lo.
Sa report, 12:00 ng hatinggabi, nauwi sa madugong komprontasyon ang masayang kantahan ng magkakainumang sina Jovellanos; Robert Aguirre, 39; at Raymond Carillo, 41; pawang kaanak ng nakaburol na si Romulo Carillo; at ang dayo na si Romero.
Sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkakaanak at kinomprontang si Romero dahil sa sinasabing agawan ng mikropono habang nagkakantahan sa videoke. Hindi nila alam na armado pala ang nasabing dayo ng kalibre .45 baril.
Pinagbabaril ni Romero ang magkamag-anak, pero nagawang makaganti ng tatlo.
Namatay agad si Romero na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan nang kuyugin ng tatlo na gumamit pa ng malalaking tipak ng bato na ipinampukpok sa una bago sila nawalan ng ulirat dahil sa mga tinamong tama ng punglo sa katawan.