Advertisers
NAPAGKASUNDUAN ng 17 alkalde ng National Capital Region na ipatupad ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang ala-singko ng umaga kasabay ng pagsisimula ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR nitong Lunes, Abril 12 hanggang Abril 30.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na napagkasunduan din nila na hindi kasama ang mga authorized persons outside residence (APOR) sa nasabing curfew.
Matatandaang base sa bagong panuntunan ng Inter-Agency Task Force, may kapangyarihan ang mga local government units na mag-adjust ng mga curfew hours sa NCR.