Advertisers

Advertisers

‘PALPAK NA GOBYERNO’ SANHI NG PAGTAAS NG COVID CASES – OCTA RESEARCH

0 354

Advertisers

KUMBINSIDO ang Octa Research Team na ang paglobo ng covid cases sa bansa ay dahil na rin sa palpak na pagtugon ng ating gobyerno sa pandemya.

Sinabi ni Prof. Ranjit Rye, kung naging maagap lang sana ang ating gobyerno sa pagkilos ay hindi sana dadami ang covid cases sa bansa.

“I put a lot of blame on government. Number one, government should have closed down much earlier when we were at 1,000 or 2,000 cases. “This surge is a big thing. There’s no going around it. We failed here. We could have done better, we could have saved more lives… This could have been prevented,” ani Rye.



Binatikos din ni Rye ang mahinang health care system sa bansa, kawalan ng biosurveillance at mahinang scientific advice sa national level.

Dahil dito, dapat umanong paigtingin ang contact tracing at pagtatayo ng disease control agency na tututok sa pandemya.

Samantala, ipinagtanggol ni Department of Health (DOH) Spokesman Ma. Rosario Vergeire ang pamahalaan at nilinaw na hindi basta-basta ang pagdedeklara ng lockdown dahil tinitimbang din ang epekto nito sa ekonomiya.

“When cases are low like 1,000 or 2,000 average cases, there is no scientific basis for us to do the lockdown,” ani Vergeire.

Aniya, nagpapatupad lang ng lockdown kung bumagsak na ang health care system. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">