Advertisers

Advertisers

Parusa sa nuisance candidates pinamamadali sa Kamara

0 276

Advertisers

KINALAMPAG ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento ang mga kasamahan sa Kamara na aprubahan na ang panukala na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga nuisance candidates sa halalan.

Diin ng mambabatas, mayroon na lamang limang buwan bago maghain na ng Certificates of Candidacy (COC) ang mga tatakbo para sa 2022 national elections.

Bunsod nito ay umapela si Sarmiento na talakayin at pagtibayin na ang inihain niyang House Bill 91 dalawang taon na ang nakalipas.



Aamyendahan ng panukala ang Omnibus Election Code kung saan mahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga mapapatunayang nuisance candidate o P100,000 na multa bukod pa ito sa parusang ipapataw rin sa mga kasabwat ng pampagulong kandidato.

Paliwanag ng mambabatas, naging kasanayan na ng iba ang paggamit ng nuisance candidate kung saan modus dito ang paggamit ng parehong pangalan o apelyido para lituhin ang mga botante o kaya naman ay para pahinain ang boto ng mga kalaban sa posisyon. (Henry Padilla)