Advertisers
UPANG mabawasan ang pagdagsa ng mga tao sa pagamutan, hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga local government units (LGUs) na maglunsad ng mobile laboratories.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Robredo ang inilunsad niyang mobile laboratory sa Quezon City na nag-aalok ng libreng Xray at blood testing services para sa mga nagpakonsulta sa EKonsulta.
Naisip ko lang pong i-share sa inyo ito, dahil very doable siya lalo na sa mga LGU na grabe ‘yung congestion sa mga ospital,” Robredo said. “‘Yung mga pasyente hindi na nila kailangang pumila pa sa mga ospital, pwedeng kahit once a week kumuha na lang ng ganito, mag-assign ng mga pasyenteng titingnan ito,” ani Robredo.
Bukod sa mababawasan na ang magpunta sa mga ospital ay maiiwasan pa ang local transmission. (Jonah Mallari)