Advertisers

Advertisers

Lockdown produ, idiniin na bonus na lang ang nudity sa kanilang pelikula

0 360

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ng producer ng Lockdown na si Jojo Barron na ang kanilang pelikula ay napapanahon.

Hatid ng For the Love of Art Films, ito ay ukol sa cyber-sex or videokol. Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Joel Lamangan, tampok dito si Paolo Gumabao.



Sinabi ni Mr. Barron na ang kanilang pelikula ay sumasalamin sa struggle ng isang OFW at ng kanyang pamilya sa panahon ng pandemya.

Esplika niya, “Ang Lockdown ay napapanahon na istorya, makikita ang mga kaganapan at karanasan ng isang OFW na pinauwi sa Filipinas dahil sa pandemic. Naglalarawan ang pelikulang ito sa pinagdaanan at paghihirap ng isang OFW at ng kanyang pamilya sa panahon ng pandemya. Tinatalakay din sa pelikula kung paano ang naging desisyon niya sa buhay para matulungang makatawid ang pamilya sa panahong ito.”

Dagdag pa ni Jojo, “Mapangahas at kontrobersiyal ang tema ng pelikulang ito na tumatalakay sa cyber-sex or videojakol na laganap sa kasalukuyang panahon.”

Nabanggit din niyang kailangan sa pelikula ang frontal nudity dito.

Esplika ni Mr. Barron, “May frontal nudity ito at ilang mapangahas at maselan na eksena, dalawa ang ating mga mata at hindi natin puwedeng takpan ang isa… Inilalarawan nito ang tunay na buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya, kaya naniniwala ako na kailangan itong makita sa pelikula.”



Diin pa niya, “Naka-angkla ang pelikulang Lockdown sa napapanahong istorya, mahusay na panulat ng script, at masining na direksiyon. Ang pagpapakita rito ng maselang bahagi ng katawan, ay maituturing na ‘bonus’ na lamang.

“Hindi na maibabalik ng pandemyang ito ang dating buhay natin, ngunit maaari natin itong mabago sa mga desisyon na ating pipiliin… ito ang mahalagang mensahe ng pelikula.”

Si Mr. Barron ay nasa real estate ang linya, ngunit dahil sa pagmamahal sa sining ay gumagawa ng pelikula at sumabak din sa stage production. Kabilang sa nagawa niya ang Kabesang Tales, Isang Rap En Rol Musical at Solo Para Adultos ng Red Lantern Productions.

Sa pelikula naman, bago ang Lockdown ay ginawa niya ang Sikil ni direk Ronnie Bertubin na ang bida ay sina Anita Linda, Sylvia Sanchez, Ken Escudero, at Will Sandejas. Sumunod ang Chopsuey starring Piolo Pascual, Dimples Romana, Andrea del Rosario, and Krista Ranillo, with direk Cathy Camarillo.

Satisfied ba siya sa nabuong casts nito, lalo na kay Paolo?

Tugon niya, “De kalibre at award-winning ang bumubuo ng cast ng Lockdown, kaya kampante ako sa kanilang acting skills.

“Si Paolo na baguhan sa pelikula, ngunit laking gulat ng lahat, una na si direk Joel, sa ipinamalas na tapang at makatotohanang pagganap ni Paolo sa pelikulang ito. Kaya binansagang “An actor is born” nina direk Joel at Dennis Evangelista si Paolo, kasama na rin ako sa nakamalas sa komento ng dalawa.”

Tampok din sa Lockdown sina Max Eigenmann, Allan Paule, Sean de Guzman, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Jim Pebanco, Angeline Sanoy, at iba pa.