Advertisers

Advertisers

Validity ng lisensiya at vehicle registration pinalawig ng LTO

0 231

Advertisers

IN-EXTEND pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya na nag-expire na sa kabila nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Ayon sa LTO ang mga kliyente na mayroong student permit, nag-expire na driver’s license o conductor’s license noong umiiral ang quarantine restrictions ay mayroong hanggang Hulyo 31 para mag-renew.

Matatandaan na inilagay sa MECQ hanggang sa katapusan ng Abril ang National Capital Region (NCR) at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang sa Abril 30.



Samantala, ang validity ng registration para sa mga motor vehicles na may plate number na nagtatapos sa 3 at 4 ay ie-extend hanggang Hunyo 30 at Hulyo 31.

Nagtakda rin ang ahensya ng weekly schedule para sa renewal upang maiwasan ang pagdami ng tao sa kanilang mga opisina.

Hindi rin magmumulta ang mga renewal transactions alinsunod na rin sa revised schedule ng LTO.

Kanselado pa rin kasi ang operasyon ng mga LTO offices sa NCR-plus hanggang Abril 30 dahil sa implementasyon ng MECQ. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">