Advertisers

Advertisers

Health workers ng San Jose del Monte, Bulacan bakunado na!

0 232

Advertisers

NAABOT ng lokal na pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ang halos 90 porsiyento ng kanilang target na mabakunahang health workers.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Public Information Office (PIO) ng lungsod, mula Abril 6, 2021 ay nabakunahan ng City Health Department ang may 3,459 mula sa kabuuang bilang na 3,895 health workers o 88.81 porsiyento ng kanilang target.

Tumanggap ang mga health workersng bakuna kung hindi man Sinovac ay AstraZeneca.



Nagawa rin ng lungsod na mabakunahan ang 100 porsiyento ng target nilang 220 mamamayan na may comorbidities na nasa kategoryang A3 na pawang nagparehistro upang makapagpa-bakuna. Gayunman, sinabi ng PIO na ina-update pa ng lungsod ang mga nasa kategoryang A3 batay sa karagdagang datos at mga bagong nagpatala.

Ipinagpatuloy din ng lungsod ang pagbabakuna sa 22,039 senior citizens na nagparehistro upang mabigyan ng unang dose ng bakuna. Nauna nang itinigil pansamantala ng pambansang pamahalaan ang paggamit ng AstraZeneca sa mga may edad dahil sa isyu ng kaligtasan.

Umabot sa 20 vaccine sites ang itinalaga ng lokal na pamahalaan, kabilang dito ang mga pagamutan at pampublikong paaralan para sa kanilang vaccination program.

Sinabi ni SJDM Rep. Florida Robes na bagama’t target ng lungsod na mabakunahan ang 70 porsiyento ng tinatayang isang milyong residente upang makamit ang kawan ng mga maililigtas sa sakit, ginagawa aniya ng lungsod ang lahat ng makakaya upang makatanggap ng bakuna ang lahat ng kanilang mamamayan upang matiyak na lahat ay protektado.

“No San Joseno should be left behind in this vaccination drive and we will work hard to achieve that for the people of San Jose. We are aiming for 100 percent vaccination! This is the only way for us to move forward from this pandemic,” ayon kay Robes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">