Advertisers

Advertisers

Anjo binisto, 5 Pasko na iba-iba ang pinakikilang gf ni Jomari; Marvin mas labs na ang magluto kaysa umakting

0 295

Advertisers

.Ni JOVI LLOZA

MUKHANG shifting muna ang peg ni Marvin Agustin ngayon kung ano nga raw ang itsu-choose nito between acting and cooking.

Nang natigil si Marvin sa paggawa ng mga project last year eh tumutok ito sa pagiging chef.



Dating nga raw eh influencer na rin si Marvin dahil sa dami ng kanyang nailuto online.

Kung acting nga raw kasi eh kung panahon ngayon ang pag-uusapan sa tsika nito sa isang panayam ay tila wala na sa kanyang puso at ‘di na nito nararamdaman.

Pero hindi naman daw nito tinatalikuran ang kanyang first love, ang pag-arte.

For this time nga raw na panahon eh mas enjoy  ito sa paghahanda at pagluluto o pagiging Chef.

Pag natapos na nga ang pandemya pagbibida pa ni Marvin eh natuwa naman siya dahil may project ito abroad.



Kinuha nga raw siyang food ambassador ng Singapore kaya pag natapos ang pandemic eh ‘yun naman ang pagtutuunan ang dating ka loveteam ni Jolens. Kaya naman nag-aaral na ito ng iba’t ibang putahe ng Singaporean.

Pag okey na nga raw ang sitwasyon eh bukas si Marvin na makaganap muli na matagal na rn niyang hinnagagawa mula na magka-pandemya.

***

SA kuwento ni Anjo Yllana sa isang panayam ay talaga raw hindi nito mapigil na i-hanash ang mga lovelife ni Jomari Yllana.

Sa balikan ng utol na si Jom at Abby Viduya o Priscilla Almeda, naalala pa ni Anjo noon kung bakit di natuloy ang relasyon ng dalawa.

Naudlot nga raw ng mga panahon na ‘yun ang pagmamahalan nina Jom at Priscilla na first love ang isa’t isa.

Meant to be sila kaya nung nagkabalikan eh kapwa separated na sila nakita at naman ni Anjo ang pagmamahalan ng dalawa.

Isa pang rebelasyon ni Anjo ay ang pagbuking kay Jom na kada Pasko raw ay iba-ibang gf ang ipinapakilala sa kanya ng kapatid.

Pero si Priscilla eh naka-dalawang Pasko na nga raw na nakasama at nakahalubilo nila.  Kaya nga ba maninirahan na sa Bikol si Jomari ay dahil kay Abby o Pricilla?

Kunsabagay, may edad na rin naman si Jomari at need na makabuo ng matatawag na sarili nitong pamilya.

Well…well…well. ‘Yun na.