Advertisers
SUMADSAD ang isang barko sa pampang ng baybayin sa Barangay Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard(PCG), nag- abandon ship ang mga crew nang LCT Cebu Great Ocean.
Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng PCG upang magsagawa ng search and rescue operation sa sumadsad na barko.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, Lunes ng umaga ay may contact pa sa mga crew habang inaanod ang kanilang liferaft dahil na malalaking alon.
May iniulat na dalawang nahiwalay sa iba pang crew.
Sinabi ni Balilo na nahihirapan ang SAR teams ng coast guard dahil sa malalakas na alon.
Samantala, naglabas narin ng ”notice to mariners” ang PCG Station Surigao del Norte sakaling mamataan ang umano’y nawawalang 20 crews ng barko.
Lulan ng barko ang tinatayang 2,000 litro ng diesel at mga nickel ore. (Jocelyn Domenden)