Advertisers
NAKAPAGTALA na namang muli ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 na umabot sa 9,227 nitong Miyerkules, Abril 21.
Samantala ay mataas na naman ang naitalang bilang ng mga gumaling na umabot sa 19,699 at 124 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.1% (116,434) ang aktibong kaso, 86.2% (829,608) na ang gumaling, at 1.69% (16,265) ang namatay.
Paliwanag ng DOH sa mataas na bilang ng mga recoveries simula nitong Lunes ay dahil araw-araw nang gagawin ang Oplan Recovery o recovery tagging at hindi na katulad sa nakaraang mga datos na weekly bago ilabas ang bilang ng recovery tagging.
Ayon pa sa DOH, simula nitong Miyerkules, Abril 21 ang testing numbers na naitala sa case bulletin ay base sa output mula sa DOH- accredited laboratories sa nagdaang dalawang araw.
Ito ay upang mabawasan ang pagkalito na nagmumula sa pag-uulat ng hindi kumpletong data. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)