Advertisers

Advertisers

21 biktima ng human trafficking na-rescue sa Manila Bay

0 244

Advertisers

NASAGIP ang 21 babae na “kliyente” ng nakaangklang barko sa Manila Bay, batay sa operatiba ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.
Naaresto naman ang apat na crew members at isang babae na nahaharap sa kasong ‘human trafficking’.
Narekober din ang ilang bote ng alak, sigarilyo, at iba pa.
Ang mga dinakip ay naharang ng PNP Maritime habang sakay ng maliit na bangka de motor Huwebes ng gabi.
Ayon kay PNP Maritime Unit-NCR chief, Colonel Raynold Rosero, nagdadala ang mga suspek ng babae sa ‘international ships’ kungsaan binabayaran sila ng P5,000.
“Sila ay sumasakay sa international ships, nagkakaroon ng prostitution doon po sa malalaking barko sa gitna ng karagatan ng Manila Bay.” (Jocelyn Domenden)