Advertisers

Advertisers

Maginhawa pantry organizer “komunista”

0 326

Advertisers

IBINUNYAG ng dating rebelde ang pagkakaugnay ng isang community pantry organizer sa communist terrorist groups (CTGs).
Sinabi ni Shane Valdez sa Philippine News Agency (PNA) na si Maginhawa community pantry organizer Ana Patricia Non ay may kaugnayan sa Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan (Karatula).
“Yung nag-umpisa nung community pantry na yan, ‘yung si AP Non kung tawagin nila, dati siyang miyembro ng Karatula,” lahad ni Valdez na dating nasa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa loob ng halos pitong taon.
Kwento pa nito, maging ang ama ni Non ay supporter din ng naturang kilusan.
“Ni-research ko ngayon. Tumugma nga. Sabi ko ito nga ‘yung anak nung kaalyado namin sa Angeles City. Tatay pala nya yan. Alam ko nga kasi na ‘yung tao na ‘yun may anak na tibak. Party member pa nga kung tutuusin,” pahayag ni Valdez.
“Galawang komunista ‘to. Ganun yan. Meron silang hidden agenda. Bakit nila ‘to ginawa? Binababoy nila yung diwa ng bayanihan, eh kasi imbes na tumulong ka, tumulong ka lang. ‘Wag mo nang bigyan pa ng politika, ‘wag mo na bigyan pa ng hidden agenda. Ginagawa mo pang dahilan ‘yan para mang-recruit eh, para sirain ‘yung gobyerno.”
Naunang itinanggi ni Non na sangkot siya sa komunistang grupo.
“Dahil nga underground organization siya, iligal at lihim kaya ino-orient ang bawat kasapi na i-deny mo, itanggi mo, ‘wag kang aamin, sukdulang ikamatay mo, ‘wag mo lang aaminin para hindi mapahamak ang organisasyon. So expected na namin ‘yan na itatanggi talaga niya ,” patutsada pa ni Valdez.