Advertisers

Advertisers

Bgy. kapitan at kabit huli ng kanyang mag-ina

0 547

Advertisers

KULONG ang isang punong barangay at kalaguyo nitong babae nang mahuli sa akto ng misis at anak nitong Miyekoles ng gabi sa Borbon, Cebu.
Kinilala ang mga naaresto na sina PB “Dor”, 49 anyos; at kalaguyo nitong si “Nena”, 33, dalaga, kapwa hindi tunay na pangalan at parehong residente ng nasabing bayan.
Ayon kay Police Staff Sgt. Lia Balog ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) Borbon Police Station, 11:00 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa kanilang hotline hinggil sa alarm and scandal sa nasabing lugar.
Sa pagresponde ng mga pulis sa bahay ng barangay chairman, naabutan pa nila ang kalaguyo nito. Dito ay pinosasan ang magkalaguyo at dinala sa himpilan ng pulisya sa kabila ng pakiusap ng tserman sa misis na magbabago na ito.
Kuwento ng misis na itinago sa pangalan “Mila”, inaasikaso niya ang kanilang hanapbuhay sa isang bayan sa lungsod at nag-aalala siya sa asawa dahil hindi na niya ito makontak sa cellphone at huli niya itong nakausap na sinasabing may pagpupulong sa munisipyo.
Sinabi ng misis na agad siyang umuwi sa kanilang bahay kasama ang anak, at nagulat siya nang maabutan ang mister at kabit nito sa loob ng kanilang kuwarto na nagtatalik.
Dagdag pa ng misis, hindi na niya mapapatawad pa ang mister at kabit dahil makailang beses narin itong ginawa sa kanya.
Nahaharap sa kasong concubinage at adultery sa ilalim ng Republic Act (RA) 9262 Violation Against Women and Their Children ang magkalaguyo.