Advertisers

Advertisers

‘Depensa ni Sara puros papogi lang sa supporters’

0 9

Advertisers

TINULIGSA ni House impeachment prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang kampo ni Vice President Sara Duterte matapos umano itong magpokus lamang sa pagpapalabas ng mga lumang video mula sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona sa halip na sagutin ang mga akusasyon laban sa Bise Presidente.

Ayon kay Chua, malinaw na nagpapa-pogi at nagpapakita lamang ng naratibo ang depensa para sa kanilang mga tagasuporta upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa tunay na isyu.

Sinang-ayunan naman ito ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na nanawagan ng direktang paliwanag sa halip na mga “spliced na videos.”



Iginiit ni Adiong na bilang halal na opisyal, tungkulin ni Duterte na ibigay sa taumbayan ang tamang impormasyon.

Inilabas kasi ng defense lawyer na si Atty. Mark Vinluan ang mga lumang pahayag nina yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago at dating Chief Justice Corona — na tumatalakay sa umano’y panggigipit sa hudikatura noong 2011 habang tinatanong ang testigong si Atty. Rainer Dela Fuente, isang dating imbestigador ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), kaugnay ng unexplained wealth case sa ilalim ng Article II.



Patuloy na hinahamon ng prosekusyon ang depensa na direktang ipaliwanag ang tinatayang P817.87 milyong hindi idineklarang yaman at kita nina Duterte at ng asawa nitong si Atty. Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">