Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng 13,812 na bagong recoveries ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Abril 23.
Samantala ay mayroon namang 8,719 na karagdagang kaso ng COVID-19 dahilan para maging 979,740 na ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.
Habang nasa 159 naman ang nadagdag sa mga pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.5% (102,799) ang aktibong kaso, 87.8% (860,412) na ang gumaling, at 1.69% (16,529) ang namatay.
Isang laboratoryo naman ang hindi operational nitong Abril 21 habang 6 na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)