Advertisers

Advertisers

Modus ng ‘hagis-singsing’ buking: 2 timbog

0 311

Advertisers

DALAWANG lalaki ang dinakip sa “hagis-singsing” modus kungsaan kadalasang biktima nila ay mga seaman sa Maynila.
Kinilala ang mga dinakip na si Reynaldo Aguilar, at isang hindi pa pinangalanang kasabwat na security guard.
Naaresto ang dalawa nang nakawin nila ang isang 18-karat gold ring ng isang seaman sa Kalaw Street, Manila.
“Bubundulin ka nila, tapos tatakutin ka nila, tapos susundan ka nila kungsaan ka pupunta hanggang sa mag-sorry ka,” kuwento ni Police Lieutenant Colonel Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police.
Oras na makumpirma na seaman ang biktima ay sisindakin daw ito ng mga suspek hanggang sa ipakita nito ang kaniyang singsing, na papalitan naman ng mga suspek ng peke.
Ayon kay Aguilar, ibinibenta niya sa Recto ang mga nakuhang singsing sa halagang P7,000.
Kasamang naaresto ni Aguilar ang isang dating security guard na nagsilbi umanong lookout sa operasyon. Binabayaran ang nasabing sekyu mula P500 hanggang P1,000.
Tatlong complainants na ang lumapit sa pulisya kungsaan ang isa ay 2018 pa nabiktima.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong ‘Robbery’.