Advertisers
HOUSE-to-house na ang ginagawang pagbabakuna sa ilang lungsod sa Metro Manila at Cavite, lalo na ang mga senior citizen na hirap nang makapunta sa mga vaccination site.
Ito ay upang maiwasan silang mahawa ng virus kung lalabas ng bahay at pupunta sa itatalagang vaccination sites sa kani-kanilang mga lugar.
“Itong ginagawang pagbabahay-bahay ay para hindi mawalan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na hindi na po kayang magbiyahe, hindi na kayang lumabas ng bahay,” ani Dr. Nina Castillo-Carandang, miyembro ng National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Carandang na ibayong pagpaplano ang dapat gagawin dito para maiwasan ang hawaan ng mga magpupunta sa mga tahanan upang magpabakuna.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Pilipinas ng 971,049 kaso ng COVID-19; 16,370 rito pumanaw; 107,988 active cases.