Advertisers
BUTAS ang leeg ng 12-anyos na lalaki nang mabaril ng security guard na inasar nang maaktuhang nangunguha ng mga scrap sa construction site, Linggo ng hapon sa Cebu city.
Kinilala ang biktima na si Justine Jay Ferrer, residente ng Sitio Ypil, Barangay San Nicolas ng nasabing lungsod.
Kusa namang sumuko ang salarin na si Marelle Belano, 29, guwardiya ng Corps Philippines Security Agency.
Batay sa report ng Mambaling Police Station, 5:00 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang krimen sa MBC construction site sa South Road Properties (SRP) Mambaling.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakita ng suspek ang grupo ng kabataan na nangunguha ng scrap metal sa binabatanyan niyang construction site kaya sinaway niya ang mga ito.
Hindi nakinig ang mga bata kasama si Ferrer at inasar pa ng mga ito ang guwardiya.
Nag-warning shot ang guwardiya para takutin ang mga bata. Subalit tinamaan ang biktima sa leeg na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang guwardiya.