Advertisers
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng 29- anyos na lalaki nang pagtatagain ito at pugutan pa ng ulo sa Dinas, Zamboanga Del Sur.
Kinilala ang biktima na si Michael Berjamin Naong, magsasaka, ng Barangay Legarda, Dinas.
Ayon kay Police Captain Edwin Duco, spokeman ng PRO9, 11:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Purok 3, Bgy. Legarda.
Sa report, naglalakad papauwi ang biktima galing sa birthday party ng isang Ado Kalainan nang atakihin ng mga salarin malapit sa tahanan ng una.
Pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pinugutan pa ng ulo ang biktima. Mabilis na tumakas ang mga salarin pagkatapos isagawa ang krimen.
Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin. (Mark Obleada)