Advertisers

Advertisers

Covid update: 11,333 gumaling; 70 nasawi; 8,929 bagong kaso

0 350

Advertisers

LUMAGPAS na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagan pang 8,929 na bagong kaso nitong Lunes, Abril 26.

Dahil dito, umabot na sa 1,006,428 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala ay mayroon namang naitalang 11,333 na gumaling at 70 na pumanaw.



Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% (74,623) ang aktibong kaso, 90.9% (914,952) na ang gumaling, at 1.67% (16,853) ang namatay.

Sa mga aktibong mga kaso, nasa 95.4% ang mild cases habang ang asymptomatic ay nasa 1.4%.

Ayon sa DOH, sa pakikiisa sa pagdiriwang ng World Immunization week 2021, umapela ang DOH ng pakikiisa sa pagtitiwala sa bisa at kaligtasan ng mga bakuna.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na ipagpatuloy ang ating masusing pag-iingat upang manatiling ligtas mula sa peligro ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">