Advertisers
ISA na namang attack helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak habang nagsasagawa ng maintenance at equipment test flight sa Bohol 9:40 ng umaga nitong Martes.
Bumagsak ang chopper sa may coastal area ng Handayan Island, Jetafe, Bohol.
Nasawi sa pagbagsak ang piloto, habang nadala sa Ubay Hospital sa Bohol ang tatlo pang crews.
Ayon kay Air Force spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, nanggaling sa Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu ang MD520MG attack helicopter para sa isang maintenance flight nang bumgsak ito.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.(Mark Obleada)