Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mas mababa pang bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 na umabot sa 6,895 nitong Miyerkules, Abril 28.
Samantala ay mayroon namang naitalang 10,739 na gumaling at 115 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (67,769) ang aktibong kaso kung saan ang 94.9% nito ay mild cases at 1.6% naman ang asymptomatic, 91.7% (935,695) na ang gumaling, at 1.67% (17,031) ang namatay.
Ayon sa DOH, ang mababang naitalang bagong kaso ay hindi nangangahulugan na maari nang maging kampante.
Pinaalalahanan din ng DOH ang lahat ng mamamayan na kinakailangang panatilihin ang ibayong pag-iingat upang hindi magkahawa-hawaan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)