Advertisers

Advertisers

CURFEW HOURS: 10:00PM – 4:00AM NALANG!

0 279

Advertisers

KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang muling pagpapaikli sa unified curfew hours na ipinapairal sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng umiiral na mga community quarantine at lockdowns sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) situation ng bansa.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos ito’y matapos ipasa ng Metro Manila Mayors ang Resolution 21-09 Series of 2021.

“Simula Sabado, Mayo 1, ay ipatutupad ang unified curfew hours sa Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga. Base ito sa inaprubahang MMDA Resolution No. 21-09 Series of 2021 na aprubado ng lahat ng Metro Manila mayors,” ani Abalos.



Nabatid na pinirmahan at inaprubahan ang naturang resolusyon ng 17 alkalde ng Metro Manila noon pang ika-27 ng Abril.

Ang konseho, na binubuo ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang governing at policy-making body ng MMDA. (Josephine Patricio)