Advertisers
DEAD on the spot ang dalawang sibilyan nang maipit sa engkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga biktima na sina Lagabai Endo at Kagi Bahriyah Inia, KAPWAa residente ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima, nagkasagupa ang militar at BIFF ‘di kalayuan sa kanilang taha-nan nang tamaan sila ng mortar projectile.
Hiling ng mga residente ng Maguindanao sa gobyerno na sana iwasan ng militar at mga rebelde na maipit sa gulo ang mga kawawang sibilyan.
Nag-iimbestiga na ang Maguindanao PNP sa pagkasawi ng mga biktima.