Advertisers
PINAULANAN ng bala ang tahanan ng isang vice mayor sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Antipas, Cotabato Vice-Mayor Cris Cadungon, pinaputukan ng armadong grupo ang kanyang bahay at target mismo ang kwarto niya.
Mabilis na tumakas ang mga salarin na sakay ng motorsiklo.
Masuwerte namang na-kadapa ang bise alkalde at hindi tinamaan habang ligtas rin ang kanyang pamil-ya.
Duda si Cadungon na politika ang dahilan ng pa-mamaril sa kanyang taha-nan dahil may plano itong tumakbong alkalde sa nalalapit na 2022 election.
Nagsasagawa pa ng im-bestigasyon ang Antipas PNP sa pangyayari.