Advertisers

Advertisers

Higit P8m dried marijuana nasabat sa Bulacan

0 236

Advertisers

TINATAYANG nasa P8.16 milyong halaga ng dried marijuana ang nasabat ng PDEA at pulisya sa isang buy-bust operation sa Malolos, Bulacan nitong Miyerkoles.
Ayon sa PDEA-Region 3, tatlo sa limang mga dinakip ay major supplier ng marijuana sa Bulacan at ilang bayan sa Pampanga.
Kinilala ang mga nadakip na sina John Patrick Milan alyas “Wang”, 26 anyos; Kevin Paul Jose, 27; Mispa Jamsen, 28; Jayson Justiniano, 30; at Enrick Justin, 29.
Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang 68 kilo ng dried marijuana leaf.
Inihahanda na ang isasampang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito. (Mark Obleada/Thony Arcenal)