Advertisers
NASA P4.7 million halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects sa buy bust operation sa Tawi Tawi.
Kinilala ang mga nadakip na sina Hassan Anggie Hawaan, 30 anyos; Mannan Nasuri Muhadi, 48; at Mudzna Anggie Hawaan, 42, pawang taga-Pundoha, BarangaySimangal, Sitangkaim, Tawi Tawi.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, isinagawa ang buy bust operation ng pinagsanib na mga elemento ng Bangsamoro Autonomous Region Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM, Bongao Police Station, at Provincial Mobile Force Company Tawi-Tawi sa Bgy. Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi .Nasamsam sa mga suspek ang 14 plastic sachet ng shabu na may timbang na 700 grams at nagkakahalaga ng P4.76 million. (Mark Obleada)