Advertisers
MAGKAKAROON na ng paunang rollout ng COVID-19 vaccine sa Kamara sa Mayo.
Ayon kay HREP CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Sinovac muna ang kanilang gagamitin na mula sa national government.
Hiwalay pa ito sa P50 million na halagang inilaan ng Kamara para sa 60,000 doses na Novavax ng Serum Institute of India na inaasahang darating naman sa July.
Susundin pa rin sa roll out ang inilabas na priority list ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbabakuna kung saan mauuna ang mga empleyado at mga members ang mga medical frontliners, senior citizens at mga may comorbidities.
Inanunsyo na rin ng IATF na kasama na sa A4 category ang frontliners ng Mababang Kapulungan. (Henry Padilla)