Advertisers
NANGANGAMBA si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na mauuwi lamang sa human rights violations ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga indibidwal na hindi nakasuot ng face mask habang nasa mga pampublikong lugar.
Pahayag ni Castro, “napakalaking parusa sa mga tao” ang gustong mangyari ni Pangulong Duterte.
Sa halip na arestuhin ang dapat na gawin ng pamahalan ay magbigay na lamang ng mga face masks, ayon sa kongresista.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na masyadong maraming kuda si Pangulong Duterte tungkol sa face mask pero ang tunay na pangangailangan ng mamamayan ay hindi naman natutugunan.
Dagdag pa ni Brosas, ang alam lamang ng Duterte administration ay puro military measures. (Josephine Patricio)