Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pagbibigay sa kanya ng encouragement sa naging desisyon sa buhay. Ito ay nang layasan na ni KC ang condo para manirahan sa isang bahay.
Sa kanyang Instagram page ay ipinost ni KC ang screenshot ng text ng kanyang ina na nagsabing, “Wow, am so proud of you!”
“The only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted. Love all around,” caption ni KC.
Tapos ay ipinost din ni KC ang screenshot naman ng text ni Gabby.
“You got it all figured out,” mensahe ni Gabby kay KC at sinundan pa ito ng, “that`s my girl.”
Ipinahayag ni KC sa caption na binigyan siya ng advise ng ama sa pagbili ng bahay since licensed broker nga si Gabby.
“Words of encouragement from papa. Moving from a condo to a house is so intimidating! But I got this..my pops happen to be a licensed real state trinbroker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out pa!” pahayag ni KC.
***
MINABUTI na lang ni Bea Alonzo noong Labor Day na bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang house helpers at ilang frontline workers, delivery drivers, who go extra mile to keep them all safe, healthy, in these trying times kaysa magpa-community pantry na minsan ay sinasamantala ng ilang grupo.
Isinama ni Bea ang kanyang staff para maglaro ng indoor games na ang mga magwawagi ay tatanggap ng P20,000 at P10,000 na consolation prizes. Hindi na rin sila nagluto for the occasion dahill nag-order na lang si Bea ng pagkain at sinorpresa niya ang delivery riders ng tig P15,000 each.
May naka-set din siyang table na puno ng chips, biscuits at drinks para sa mga delivery riders na dumadaraan sa tapat ng kanyang bahay.
Binigyan naman ni Bea ng P20,000 bilang Labor Day gift ang isa niyang fan na si Cathy na madalas siyang binibisita noon sa taping na isa nang healthy worker na humaharap sa mga nagkakasakit at nagsasakripisyo para sa ibang tao ng pandemya.
Samantalang hindi naman nagpahuli ang AlDub Nation fans nina Maine Mendoza at Alden Richards na magbigay din ng tulong sa pamamagitan ng community pantry.
Sa pamamagitan ng iba`t ibang fans club, kasama ang mga Team Abroad ADN, namigay din sila sa Binan, at Pagsanjan, Laguna.
Bukod sa bigas, groceries, at toiletries, namigay din sila ng McDo burgers sa mga chikiting. May mga naka-schedule rin silang community pantry sa ibang mahihirap na lugar at sa mga delivery riders sa ibang araw.
Magkakaroon din sila sa Sta. Maria, Bulacan na nandoon naman si Nanay Dub (Mary Ann Mendoza).
Going back kay Bea, happy siya at the moment. Walang sakit na dumadapo lalo na sa parte ng kanyang puso. Not like noong may dyowa siya na sakit lang ang idinulot sa kanya.
***
Gerald sinagot si Maja na pa-blind item
KUNG sasagutin din ni Gerald Anderson ang naging pahayag ni Maja Salvador na bumagsak daw ang showbiz career nito nang magkaroon sila ng relasyon, sa pamamagitan na lang ng cryptic post siguro ito.
Sa paraan kasi ng cryptic post nagre-react si Gerald kapag may isyu ito sa kanyang ex-gf na si Bea Alonzo.
Sabi kasi ni Maja, “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in-love kami sa isa`t isa. Pero siguro yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo yung ganon?
“Pero alam mong nag-struggle kami dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa yung commercial niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement,” sey ni Maja.
May mga nakisimpatiya sa pinagdaanan ni Maja noong sila pa ni Gerald pero mayroon ding siya ang sinisisi. Dapat daw ay hindi na niya ipinilit sa simula pa lang. Lalo`t naramdaman niya na hindi magiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon.
Anyway, sa ngayon ay maayos at masaya na rin si Maja sa piling ng boyfriend na si Rambo Nunez at ganoon din naman si Gerald na masaya sa piling ni Julia Barretto.
Sabi nga, kung may lungkot ay may saya ring darating sa buhay ng tao.