Advertisers

Advertisers

Bea namigay ng ayuda sa mga staff at delivery drivers nung Labor Day

0 521

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pagbibigay sa kanya ng encouragement sa naging desisyon sa buhay. Ito ay nang layasan na ni KC ang condo  para manirahan  sa isang bahay.

Sa kanyang Instagram page ay ipinost ni KC ang screenshot  ng text  ng kanyang ina na nagsabing, “Wow, am  so proud  of  you!”



“The  only words  an  independent  woman  will ever  need  from  her  mother to keep her  going. Rare, and definitely not  taken for  granted. Love  all  around,” caption ni KC.

Tapos ay ipinost din ni KC ang screenshot naman ng text ni Gabby.

“You  got  it  all  figured  out,” mensahe ni Gabby kay KC at sinundan pa ito ng, “that`s  my  girl.”

Ipinahayag ni KC sa caption na binigyan siya ng advise ng ama sa pagbili ng bahay since licensed broker  nga si Gabby.

“Words  of  encouragement  from papa. Moving from a condo to a house  is  so  intimidating!  But  I  got  this..my  pops  happen  to  be  a licensed  real  state trinbroker in California. Grateful  to get  tons  of  real estate  advice!  Thanks  for  looking  out  pa!” pahayag ni KC.

***



MINABUTI na lang ni Bea Alonzo noong Labor Day na bigyan ng pagpapahalaga  ang kanyang   house helpers  at  ilang frontline  workers, delivery  drivers, who go extra mile to keep them  all safe, healthy, in these  trying  times kaysa magpa-community pantry na minsan ay sinasamantala ng ilang grupo.

Isinama ni Bea ang kanyang staff  para maglaro ng indoor  games na ang mga magwawagi ay tatanggap ng P20,000  at  P10,000 na consolation prizes. Hindi na rin sila nagluto for the occasion dahill nag-order  na lang si Bea  ng pagkain  at  sinorpresa niya ang delivery riders  ng  tig P15,000 each.

May naka-set din siyang table  na puno ng chips, biscuits  at drinks para sa mga delivery riders  na dumadaraan  sa tapat  ng kanyang bahay.

Binigyan naman ni Bea ng P20,000 bilang Labor Day gift  ang isa niyang fan na si Cathy na madalas siyang binibisita  noon sa taping na isa nang healthy worker na humaharap  sa mga nagkakasakit  at nagsasakripisyo  para  sa  ibang tao ng pandemya.

Samantalang hindi  naman  nagpahuli ang  AlDub Nation fans nina Maine Mendoza at Alden Richards  na magbigay din ng tulong sa pamamagitan ng community pantry.

Sa pamamagitan ng iba`t ibang fans club, kasama ang mga Team  Abroad ADN, namigay  din sila sa Binan, at Pagsanjan, Laguna.

Bukod sa bigas, groceries, at  toiletries, namigay din sila ng McDo burgers sa mga chikiting. May mga naka-schedule rin silang community pantry sa ibang mahihirap na lugar at sa mga delivery riders sa ibang araw.

Magkakaroon din sila sa Sta. Maria, Bulacan na nandoon naman si Nanay Dub (Mary Ann Mendoza).

Going back kay Bea, happy siya at the moment. Walang sakit na dumadapo lalo na sa parte ng kanyang puso. Not like noong may dyowa siya na sakit lang ang idinulot sa kanya.

***

Gerald sinagot si Maja na pa-blind item

KUNG sasagutin din ni Gerald Anderson ang naging pahayag ni Maja Salvador na bumagsak daw ang showbiz career nito nang magkaroon sila ng relasyon, sa pamamagitan na lang ng cryptic post siguro ito.

Sa paraan kasi ng cryptic post nagre-react  si Gerald kapag may isyu ito sa kanyang ex-gf na si Bea Alonzo.

Sabi kasi ni Maja, “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in-love  kami  sa isa`t isa. Pero siguro  yung mahirap  na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo yung ganon?

“Pero alam mong nag-struggle  kami dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami  pa  yung commercial  niya. Ako talaga  as in  gapang ako, wala ako. Nawalan  ako  ng  mga endorsement,” sey ni Maja.

May mga nakisimpatiya sa pinagdaanan ni Maja noong sila pa ni Gerald  pero mayroon ding siya ang sinisisi. Dapat daw ay hindi na niya ipinilit sa simula pa lang. Lalo`t  naramdaman niya na hindi magiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon.

Anyway, sa ngayon ay maayos at masaya na rin si Maja sa piling ng boyfriend na si Rambo Nunez at ganoon din naman si Gerald na masaya sa piling ni Julia Barretto.

Sabi nga, kung may lungkot  ay may saya  ring  darating sa buhay ng tao.