Advertisers
By Beth Gelena
Malinaw ang naging pahayag ni Coco Martin na wala siyang planong pumasok sa politika.
Matagal na siyang tinatanong tungkol dito lalo na kapag malapit na ang eleksyon, ngunit wala umano siyang interes dahil nakikita niya kung gaano kahirap ang pagiging lingkod-bayan.
Para sa kanya, maaari pa rin daw siyang makatulong sa mga Pilipino kahit hindi wala siya sa gobyerno.
Binanggit din ni Coco na mas gusto niyang: Magkaroon ng tahimik na buhay. Magpokus sa kanyang karera bilang aktor at direktor. Iwasan ang mga komplikasyon at intriga na karaniwang kaakibat ng politika.
“Sa totoo lang, matagal na matagal na ‘yan. Halos every election, lagi akong tatanungin niyan. Paulit-ulit kong sinasabi na honestly, wala akong interes kasi nakikita ko kung gaano kahirap.”
Kahit may mga disenteng pulitiko, idiniin ni Coco na hindi niya nakikita ang sarili bilang isang lingkod-bayan dahil maaari pa rin siyang makatulong sa ibang mga Pilipino sa sarili niyang paraan. Para sa kanya, sapat na iyun.
“Kaysa ang gawin ko is [ilagay] ko ang sarili ko d’un and after that, iba-iba ang intensyon ng tao eh — kung maa-appreciate nila or sirain ka nila.”
Sa parehong panayam, nabanggit din ang nalalapit niyang TV reunion kasama ang long live partner na si Julia Montes sa seryeng Sigabo.
Sa ngayon, wala pang indikasyon mula kay Coco na magbabago ang kanyang desisyon. Ang kanyang pangunahing pokus ay nananatili sa showbiz at sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.