Advertisers

Advertisers

NAPOLCOM chief binastos din ng pulis na nagposas sa matanda

0 2

Advertisers

NAGKAINITAN sa gitna ng live press conference sina NAPOLCOM Commissioner Vicente Calinisan at pulis-Rizal na ipinatawag dahil sa ‘viral video’ ng pag-aresto nito sa isang senior citizen na driver.
Iniharap ni Calinisan ang pulis na umano’y nagpaba-yad ng P30, 000 para sa danyos ng senior citizen.
Inalmahan naman ito ng pulis, sinabihan si Calinisan: “Wag magpapogi sa media.”
Ayon sa pulis, walang katotohanan ang sinabi ni Cali-nisan at hiling lang niya na bigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag.
Dahil dito, pinalabas ng conference room ang pulis. Ani Calinisan, dapat lang matanggal ang mga pulis na tulad ni “Corporal” na nanamantala ng isang ordinar-yong sibilyan.
Batay sa CCTV footage, ang video ay tungkol sa minor collision kungsaan nagkaroon ng pinsala ang sasakyan ng pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 4A at isang nakatatandang sibilyan sa MLQ Avenue corner Mau-ling Creek, Brgy. Bagumba-yan, Taguig City.
Samantala, nilinaw ng Taguig City Police Station na hindi sa kanila nakatalaga ang pulis.