Advertisers
IBINUNYAG ni NBI Director Melvin Matibag na pinangakuan ni dating Congressman Mike Defensor na bigyan ng tig-P5 million ang 18 ex-military para gumawa ng kuwento na nag-deliver ang mga ito ng male-maletang kuwarta sa ilang personalidad.
Ayon kay Matibag, ang impormasyong ito ay mula mismo sa isa sa mga umano’y dating sundalo na naging security ni dating Ako-Bicol partylist Zaldy Co.
Si Co, naging chairman ng House appropriations sa panahon ni dating House Speaker Martin Romualdez, ay wanted ngayon sa batas kaugnay ng mga ghost flood control project. Kasalukuyang siyang nagtatago sa ibang bansa.
Ang ilan sa umano’y mga dating sundalong ito ay kinasuhan ng Cyberlibel ng mga personalidad na kanilang pinangalanan na dinalhan umano ng male-maletang kuwarta mula sa kickback ni Co sa ghost flood conttol projects.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na faction ni “Senate President” Alan Peter Cayetano nitong Huwebes, muling binanggit ng mga dating sundalo kuno ang pangalan ng mga personalidad na dinalhan nila ng male-maletang salapi:
1. Ex-Representative France Castro
2. Rep. Leiola de Lima
3. Rep. Sandro Marcos
4. Rep. Terry Gidon
5. Rep. Gerville Luistro
6. Ex-Rep. Arlene Brosas
7. Rep. Benny Abante
8. Rep. Zia Sdiong
9. Rep. Jose Alvarez
10. Ex-Rep. Ace Barbers
11. Rep. Joel Chua
12. Ex-Rep. Dan Fernandez
13. Rep. Janet Garin
14. Ex-Rep. Raoul Manuel
15. Ex-Rep. Stella Quimbo
16. Father Flavie Villanueva
Idinagdag pa ng mga dating sundalo kuno ang pangalan nina ex-Senator Antonio Trillanes, Senators Tito Sotto at Erwin Tulfo.
Kung napapansin ninyo, ang mga mambabatas na ito ang nag-iimbestiga sa flood control anomaly at nanguna sa pag-impeach kay Vice President Sara Duterte-Carpio sa Kamara.
Si Father Villanueva naman ang isa sa mga nagsampa ng impeachment articles laban kay VP Sara. Malabo pa sa ata ng pusit na masuhulan ito.
Ang nakakatawa pa rito, mga pare’t mare, dinalhan daw nila ng male-maletang pera si De Lima eh kailan lang nahalal na congresswoman ang huli. Hehehe…
Tapos ang ibinigay daw na dalawang maletang pera kay Trillanes ay para sa International Criminal Court (ICC), suhol daw para idiin sa kasong crimes again si humanity si ex-President Rody Duterte. Hehehe…
Paano natin paniniwalaan ang ganitong kuwento ng 18- ex-Marines kuno eh ang ilan sa mga taong inakusahan nila ay walang mantsa ang pangalan at mahirap kausapin pagdating sa katiwalian.
Walang saysay ang mga kuwentong ito ng “ex-Marines” ni Defensor.
Anyway, lalabas don ang katotohanan. Abangan!