Advertisers

Advertisers

Salpukan sa Senado: Taumbayan ang dehado

0 4

Advertisers

Sa gitna ng walang-humpay na bangayan, turuan, at personalan sa Senado, iisang tanong lang ang namumutawi sa bibig ng bawat ordinaryong Pilipino. “Paano na si Juan dela Cruz?”

In short, ang milyong Pilipino ang dehalo dito.

Habang naghihintay ang taumbayan ng mga konkretong batas para sa kanilang kabuhayan at kapakanan, tila pansariling interes at publisidad ang naging prioridad ng ilan. Nakalulungkot na ang institusyong inaasahang magpapasasa ng mga batas ay nagiging mitsa ng magulong teleserye.

Sa pagsusuri kaugnay sa patuloy na ingay sa Senado, malinaw kung sino ang may purong intensyon at kung sino ang nag-iingay lang para magbiktima-biktimahan.

Kamakailan, naging mitsa ng palalang hidwaan ay ang isyu ng walkout. Noong ang grupong minority ang nag-walkout sa plenaryo, katwiran at depensa ng grupo sa kanilang eksena ay hindi raw ito pag-abandona sa tungkulin. Ngunit, ang nakatatawa naman ay nang ang mayorya na pinamumunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano naman ang gumawa nito, humirit ang minorya — para bang sinabing ganito. “Hoy! Labag ‘yan sa rules!” Ngek! So, ang may karapatan lang pala na umeksena ay ang tropang minorya? Ang tanong kung baga, kayo lang ba ang pwedeng umeksena lalo na kapag hindi nakuha ang inyong gusto? Kung sino nga daw ang mahilig na magturo at mag-iwan ng kalat, at kapag nasukol na ay biglang maglalaro bilang mga “api” o “playing victims”.

Natalakay din ang patungkol sa mga nakabinbin batas na apektado ng teleserye sa Senado. Na naman, ito ay isinisisi ng minorya sa kasalukuyang liderato dahil lang sa dalawang araw na walang quorum.

Pero kung suruin, kauupo lang ni Sen, Cayetano bilang Senate President noong Mayo 11, 2026. Kaya sino ang dapat na managot sa mga nakabinbin na batas?

Sentido komun na lang iyan. Ang mga nakabinbing batas na iyan ay dapat inasikaso pa noong panahon ni dating SP Tito Sotto. Kung inasikaso sana ito sa liderato ni Sotto ay baka wala nang nakabinbin ngayon. Kaya tigilan na ang palusot pa at turuan.

Ang nakatatawa, masabi lamang na may maibato sa mayorya, maging ang kawalan ng aircon sa Senado ay pinalalaki at ginagawang isyung pambansa. May kasama pang drama na “pinatayan daw sila ng kuryente” para gipitin. Pero noong dinala ang technician, napag-alamang nag-trip lang pala ang circuit breaker sa GSIS building.

May hinala ang marami na ang lahat ng ingay na ito mula sa minorya ay para tabunan ang mga seryosong isyu. Bakit? Takot ba silang muling mabuksan ang imbestigasyon sa flood control projects scam?

Maging ang pananakot ng minorya na may dalawang senador daw mula sa mayorya ang lilipat sa kanila para maagaw ang liderato. Nasaan na ang lumipat na dalawa? Bluff lang yata ang lahat. Bluff nga lang ba Sen. Ping Lacson?

Kahit ba naman ang pag-uulat sa taumbayan ni SP Cayetano sa pamamagitan ng pag-vlog ay binatikos din kung saan ay dati nang ginagawa ni SP lalo na ngayon – kailangan ito upang ituwid ang mga baluktot na naratibo ng kanyang mga kritiko.

Kaya ang resulta nito sa social media, bumaha ng suporta mula sa ordinaryong Pilipino ang natatanggap ng mayorya dahil ramdam ng tao kung sino ang tunay na nagtatrabaho.

Pero ano pa man, dapat nang tuldukan ang turuan, tuldukan na ang komedya – na maging ang pagka-trip ng aircon ay nagamit na isyu. Ituon na ang tunay na layunin ng Mataas na Kapulungan para sa mamamayan. Itaas na ang antas ng diskusyon.

Nais lang naman ng kampo ni SP Cayetano na mangibabaw ang katotohanan. Nais lang naman ng mayorya na maging maayos na takbo ng pamahalaan, at isantabi ang pansariling interes ng iilan dahil sa huli, ang mga nagluklok sa inyo sa Senado ay ang taong-bayan na nagpapasweldo sa inyo.

Sa nangyayari ngayon, sino ba ang dehado? Ang Mayorya? Ang minorya? Hindi, kung hindi ay ang taong-bayan. Agtalna kayu!