Advertisers
Tututukan na ng pamahalaang lungsod ang reclamation projects ng lungsod sa pamamagitan ng nilikhang komite na siyang mangangasiwa sa implimentasyon ng mga proyekto .
Sa nilagdaang Executive Order No. 27, Series of 2026, itinalaga ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso si dating 5th District Representative Amado Bagatsing bilang chairman ng Committee on Reclamation ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Sa ilalim ng EO, titiyakin ang pagsunod sa mga umiiral na regulasyon at environmental standards.
Sa ilalim ng Office of the City Mayor, magsisilbing pangunahing lupon ang komite para sa lahat ng usapin kaugnay ng reclamation projects sa Maynila, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong developer, joint-venture partners, Philippine Reclamation Authority at Department of Environment and Natural Resources.
Si Bagatsing ay nagsilbi rin bilang vice chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at dating general manager ng National Housing Authority. (Jocelyn Domenden)