Advertisers

Advertisers

DoJ pinaiimbestigahan 4 vloggers sa fake news

0 2

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nila ang referral mula sa Presidential Communications Office (PCO) kaugnay ng mga social media post na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa petisyon ni Senador Bato dela Rosa sa Korte Suprema.
Ang apat na vloggers na, may mga Facebook page KaChizmaze, Booc TVs, Cris Lademora, at Lenny Quirz/Linie Quirong, ay nagpakalat ng fake news na naglabas ng temporary restraining order ang Kataas-taasang Hukuman upang hindi ipatupad ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa.
Ayon kay DOJ Spokesperson, Atty. Polo Martinez, natanggap na nila nung Martes, Hunyo 2, ang referral mula sa PCO.
Sa ngayon, ire-refer ito ng Justice Department sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa imbestigasyon at karampatang aksyon.
Kabilang, aniya, rito ang posibleng case build-up para sa pagsasampa ng mga kasong kriminal.
Una nang nagbabala si PCO Secretary Dave Gomez na isang seryosong offense ang pagpapakalat ng fake news, gaya ng hindi totoong Supreme Court ruling sa social media, na ginagawa lang para sa views, engagement, at pagkakakitaan.