Advertisers

Advertisers

EX-CONGRESSMAN PATAY SA SAKSAK SA PARKING LOT

0 85

Advertisers

NASAWI si dating United Movement Against Drugs party-list Rep. Teodoro Lim nang pagsasaksakin umano ng isang lalaki sa loob ng kanyang sasakyan sa parking lot ng isang mall sa Antipolo City, Rizal.
Nangyari ang insidente 2:00 ng hapon ng Nobyembre 17.
Batay sa CCTV footage, nakita si Lim na pumasok sa kanyang sasakyan bago sinundan ng isang lalaki makalipas ang ilang segundo.
Hindi nakuhanan ng CCTV ang aktuwal na pananaksak, nguni’t ayon sa Antipolo City Police, ilang ulit sinaksak ang dating mambabatas sa loob ng sasakyan.
Naoperahan pa si Lim nguni’t pumanaw din Martes ng gabi.
Kinilala ang salarin sa alyas na “Boyet” na naaresto ng mga awtoridad sa isang bahay sa Angono, Rizal.
Narekober mula sa salarin ang pitaka at cellphone ni Lim, gayundin ang mga damit na may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit nito noong insidente.(Mark Obleada)