Advertisers

Advertisers

FLOOD CONTROL HEARING, PINANGALANAN ANG MGA TUMANGGAP NG “MALETA”

0 3

Advertisers

Sa kabila ng tensyon sa liderato ng Senado, itinuloy pa rin nina Senate President Alan Peter Cayetano, Sen.Pia Cayetano, Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Robin Padilla at Sen.Imee Marcos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Huwebes, June 4, hinggil sa kontrobersyal na multibillion-peso flood control scam.

Sa naturang pagdinig dumalo ang 18 dating marines upang tumestigo ukol sa mga male-maletang kickbacks na dinala umano sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang mga mambabatas.

Matatandaan na nitong Miyerkules, June 3, nagkaroon ng balasahan matapos magdeklara ng quorum sa kapulungan sa pagdating ni Sen. Chiz Escudero, kung saan idineklara ring bakante ang mga posisyon sa Senado.

Sa naturang sesyon, inihalal si Sen. Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at tumatayong Acting Senate President, habang idineklara naman si Sen. Erwin Tulfo bilang bagong chairperson ng Blue Ribbon Committee kapalit ni Sen. Pia.

Bago ang pagdinig, una nang sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na ipagpapaliban ang pagdinig ng komite.

Gayunpaman, iginiit ng kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang “legitimate” na Senate President kaya itinuloy pa rin nila ang naka-schedule na imbestigasyon ngayong araw.

Samantala inakusahan ng isa sa mga diumano’y bodyguard ni dating Cong. Zaldy Co si Sen. Tito Sotto ng pagtanggap ng 5 maleta na tig-?40 million ang laman noong 2024, bago mag-campaign period ganon din si Sen. Erwin Tulfo at iba pang mga mambabatas na tumanggap ng male-maletang pera.

Binanggit din sa pagdinig ang human trafficking na may mambabatas na namimili ng babae sa Hotel.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com