Advertisers
Arestado ang limang suspek na kabilang sa Regional Most Wanted Persons sa Calabarzon kahapon araw ng Martes June 3, 2026 na iniu-ugnay sa pagkamatay ng biktimang 19-anyos na maritime student na si Kenneth Alcedo na biktima ng hazing na sumailalim sa fraternity initiation rights ng Tau Gamma Phi Fraternity sa Dasmarinas City Cavite nuon Marso 2026.
Base sa report ng General Trias Component City Police Station, nadakip sa Barangay Navarro, General Trias City ang limang suspek na kinilala lamang sa mga alyas na sina “Archie,” “John,” “Johnlee,” “Dario,” at “Kenneth.” Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 sa ilalim ng Republic Act 11053 sa pamamagitan ng inilabas na warrant of arrest laban sa mga akusado na ipinag utos ng Regional Trial Court sa Dasmariñas City na may petsang June 1, 2026.
Nakalulong na ngayon ang limang suspek sa GeneralTrias City Holding and Custodial Facility at nakatakdang humarap sa korte.(Koi Laura)