Advertisers
NAGHAIN ng cyber libel complaint si Iloilo Representative Julienne Baronda nitong Miyerkules, Hunyo 3, sa Department of Justice (DOJ) laban sa 18 dating Marines at mga sundalo na nagsabing naghatid sila ng mga cash mula sa dating mambabatas na si Zaldy Co patungo sa iba’t ibang indibidwal.
Ayon sa legal counsel ni Baronda, ito ay dahil sa pagkakasama nito sa lista-han ng mga indibidwal na tumanggap umano ng cash.
“Sinama siya doon sa listahan ng allegedly nakatanggap ng male-maletang pera. Hindi naman totoo ‘yun kaya nagpasya si Congressman Baronda na magsampa ng kaso for cyber libel,” ayon kay Atty. Jeric Jucaban.
Sinabi pa ni Jucaban na kabilang din sa respondent ang legal counsel ng 18 marines na si Atty. Levito Baligod.
Ito ay matapos aminin ni Baligod sa mga panayam na nakipag-ugnayan ito sa marines at naghanda ng kanilang affidavit.
Wala pang tugon si Baligod kaugnay nito.
“Nasobrahan na. Kailangan ko i-defend ang institution and at the same time as a mother. ‘Yung anak ko kasi naging biktima narin, so hindi siguro pwedeng hayaan ko na lang ito. And I don’t want na gamitin ito ng mga kalaban sa politika,” ngitngit ni Baronda.
Ang 18 marines ay nahaharap din sa mga reklamong inihain nina dating Senador Antonio Tillanes IV, dating National Security Adviser Eduardo Año, House Deputy Minority Leader Leila de Lima ng ML party-list at Fr. Flavie Villanueva, at Bureau of Corrections Dir. General Gregorio Catapang sa DOJ.