Advertisers

Advertisers

Bata nabitawan nang sumemplang ang motor, patay sa sagasa ng bus

0 2

Advertisers

NASAWI ang isang taon-gulang na batang lalaki nang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa bayan ng Samboan, Cebu.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang bata kasama ang kani-yang mga magulang nang mangyari ang insidente.
Galing ang pamilya sa Negros Oriental at nagsisi-mula nang bumiyahe pauwi sa bayan ng Compostela nang mawalan ng balanse ang kanilang sinasakyang motorsiklo at tumumba.
Ayon kay Police Cpl. Ludovico Bajoyo ng Samboan Municipal Police Station, nalubak ang motorsiklo na naging dahilan ng aksidente.
Sa pagtumba ng motorsiklo, nabitawan ng ina ang kaniyang anak na bahagyang tumilapon sa kalsada. Sa kasamaang-palad, nasagasaan ito ng isang dumaraang pampasaherong bus.
Napansin lamang ng driver ng bus ang nangyari sa pa-mamagitan ng side mirror ng kaniyang sasakyan kaya agad itong huminto.
Dinala pa sa ospital ang bata ngunit hindi na ito uma-bot nang buhay.
Posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng bus kaugnay ng insidente.