Advertisers

Advertisers

NBI: Defensor inalok ng tig-P5m ang 18 ‘ex-Marines’

0 4

Advertisers

ISINIWALAT ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Huwebes, Hunyo 4, na nakatanggap sila ng impormasyon na sinuhulan ni dating congressman Mike Defensor ang bawat isa sa 18 ex-Marines ng tig-P5 milyon para tumestigo bilang “bagmen” ni dating congressman Elizaldy Co.
Sa press conference, sinabi ni Matibag na lumapit sa kanya ang kaanak ng isa sa 18 umano’y Marines para isiwalat ang naturang impormasyon.
Aniya, ang NBI ay nag-isyu ng subpoena para kay Defensor at inatasan itong humarap para sagutin ang isyu.
Wala pang tugon si Defensor kaugnay nito.
Ang “18 ex-Marines” ay kasalukuyang nasa Senado para sa pagdinig ng blue ribbon committee para sa flood control scandal.