Advertisers

Advertisers

INILUNSAD ‘RISA NA’

0 2

Advertisers

HINDI madali ang plano na ilunsad ang kandidatura ni Risa Hontiveros sa halalang panguluhan sa 2028. Kailangan linawin ang ilang bagay bago tuluyang pumalaot sa bagong larangan si Risa. Ito ang mga pinagkaabalahan sa nakalipas na tatlo o apat na buwan.

Una, siniguro muna ng mga tagasuporta na hindi tatakbo si Leni Robredo. Dahil matamlay pa sa naglilihing kalabaw si Leni hinggil sa isyung ito at tanging ang mga tila baliw na fans club niya ang walang tigil sa kasusulsol, nagdesisyon siya at kanyang grupo na pumalaot sa susunod na halalan.Walang pakipot at walang urungan sa pasya na lumaban.

Alam ng ni Rosa at Akbayan hindi biro ang halalang panguluhan. Kailangan ang masidhing paghahanda. Bukod diyan, kailangan na isa lang ang kandidato ng puwersang demokratiko sa 2028. Ito ang dahilan kung bakit inalam muna ang plano ni Leni.

Walang ibang plano si Leni kundi ang tumakbo muli bilang alkalde ng Naga City. Reelection sa kanyang siyudad ang nais. Hindi na ginawang komplikado ang simple. Hindi dito nagtatapos ang isyu ng kandidatura ni Risa.

Nagkaroon ng matinding political dynamics sa Senado kamakailan. Natapos ito ng sipain ng bagong Senate Majority Bloc si Alan Cawatano bilang Senate President at iluklok si Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President. Dahil si Sherwin na ang nasa timon ng Senado, naalis ang malaking bagahe ni Risa.

Mas dumali ang desisyon niya. Mas tumibay na ialay ni Risa ang sarili bilang kandidato at alternatibo sa 2028. Nawala ang alinlangan dahil mas may batayan upang subukin ang maaaring kapalaran sa 2028.

Ngayon, ika-5 ng Hunyo, idaraos ang isang malaking pagtitipon upang ilunsad ang kandidatura ni Risa 2sa 2028. Nangunguna ang Akbayan, kasama ang Magdalo, at ilang civil society organization, grassroots movement, at kapanalig na lider sa paggawa at ibang sektor sa pagtitipon sa Balay Alumni sa University of the Philippines (UP) sa Diliman. Inaasahan na dadagsaan ito ng sa humigit kumulang na 2,000 tagasuporta ni Risa.

Lilinawin ni Risa ang mga dahilan kung bakit lalaban siya sa 2028. Ipapaliwanag niya ang basa niya sa mga kaganapan sa bansa at mga solusyon upang mabawasan ang mga problema.

Ilalabas niya ang kanyang programa sa kanyang kandidatura. Sa maikli, ibabahagi niya sa bayan ang direksyon na tatahakin ng panguluhan ni Risa. Magkalinawan sa pagtitipon mamaya.

***

MAY nakatagong pakay si Alan Peter Cawatano kung bakit ipinagpipilitan na siya ang nakaupong Senate President. Nais niyang guluhin ang sitwasyon upang antalahin ang paglilitis kay Misfit Sara. Alam nila na mahirap lumusot si Misfit Sara sa bigat at dami ng mga ebidensya laban sa kanya. Pero may bilyones siya upang tukuran siya.

Hindi naitago ni Cawatano ang kanyang pakay. Hindi ito lihim kaya pinipilit niya manipulahin ang sitwasyon at pagbangga-banggain ang mga personalidad na sangkot upang mangingibabaw ang kanyang maitim na balak. Tulad na nauna namin sinabi: iba mangusap ang bilyones. Natutukso kahit ang pinakabanal. Ano pa kaya kung nagbabanal-banalan lang?

Walang pumipigil kung patuloy na angkinin ni Cawatano na siya ang Senate President. Puede siyang dumulog kung saan niya gusto upang ipilit iyan. Ngunit hindi siya sa kinikilalang Senate President. Malinaw ang House of Representatives at Malacanang. Si Sherwin Gatchalian ang kanilang kinikilala bilang opisyal na Pangulo ng Senado.

Hindi natapos sa pagkilala ang usapan. Ayon sa kanilang mga lider, tanging kay Sherwin siya makikipagtalastasan. Hindi nila kilala si Cawatano pagdating sa anumang komunikasyon, opisyal o hindi opisyal. Hindi siya ang kausap. Sa ganang kanila, legal ang sesyon plenaryo noong ika-3 ng Hunyo kung saan pinatalsik nila si Cawatano bilang Senate President.

***

POST ko ito sa social media:

‘TAGHOY NG TALUNANG ASO.’ Noong unang bahagi ng dekada 1980, nagtrabaho ako bilang mamamahayag sa Manila office ng Jiji Press, isang Japanese news agency. May kasama akong isang Japon na mahusay sa mga sawikain (idiom) ng wikang Japon. Ipinakilala niya ako sa isang pariralang Japon na ang katumbas sa wika natin ay “taghoy ng talunang aso.”

Ito ang mga salita ng kabiguan, kapaitan, at kahit galit at yamot. Nabanggit ko ang sawikain ito dahil ito ang naririnig at nakikita ko sa paksyon ni Alan Peter Cawatano. Mga salita ng talunan sa laban. Pakinggan sila at wala kang mapupulot na anumang ginintuang kaisipan. Talo kasi sila. Ganyan kasimple.

***

MGA PILING SALITA: “While the Senate was doing Senate things, Caldero was busy holding a spirited constitutional debate with… himself, starring himself, and ruling in favor of himself on Facebook Live. ” – Luna Miranda, netizen, critic

“ALL we hear from the Cawatano siblings are complaints, bitterness, recriminations, and farts of their constipated brains. Worthless.” – PL, netizen, kritiko

“Tinawag kong TRICKY TSIS si Chiz Escudero upang isalarawan sa publiko kung anong uri siya ng lingkod bayan. Madulas ang dila, malikot ang isip, at may angking kakayahan at talino upang mangibabaw sa pulitika. Pero hindi siya maaaring pagkatiwalaan. Hindi dapat iatang sa kanyang kamay ang kapalaran ng bansa. Isang pagpapatiwakal na hayaan siya bilang timon ng bansa. Iyan si Tricky Tsis, isang oportunista at walang kaluluwang lingkod bayan. Mag-iingat sa kanya. Pinag-iingat ang lahat sa kanya.” – PL, netizen, kritiko